"TIME" | "BAGING"
- JAMAICA CALDERON
- Mar 16, 2024
- 1 min read

Sa iyong pagpikit, oras ay nahahapit.
Mundo nga ay nalulunod pag ito ay pumupulupot.
Sa tuwing iyong pagdilat nais mong habulin
o kahit putulin sapagkat sadyang napakatulin.
Paglubog ng araw ay kinatatakutan,
tahanan ay ayaw pakawalan.
Kung hindi ito ang simula at di rin pagwawakas
marahil ito ay isa nga lamang patalastas.
Dahil ang daigdig ay lumalaklak ng panahon,
kakailanganin ng dasal upang makaahon.
Ilan beses pa bang pipikit upang aking mabatid
kung ang binhi sa lupa ay para sa bagong panimula?
Sa bawat agos ng luha ay naroon ang mga ala-ala,
dahan-dahan sapagkat ito ay malalim at nakakalula.
Sa bawat paglalakbay, bagong bunga ang nakasalalay.




Comments